Ni sa hinagap di man lang sumagi
Na siya’y makakarating sa malayong lupain na sa iyo’y kumandili
Ni wala man lang babala sa unang sulyap at pagdadaop ng mga palad…
Subalit, makaraan ang ilang saglit….
ng dahil sa musikang di naman akma sa tema
nabulabog ang pusong namimighati para sa iba…
Walang patawad…sikmura niya’y gustong bumaligtad
Animo’y batang paslit
Na gustong kumanlong sa kandungan ni Ama
Nagulat, nalito, at nanghina…
Siya ngayo’y nagtatanong….
Panginoon, ano po ito?
Kahiwagaan ng lahat
Di maarok ng kanyang dunong
Subalit nandoon ang pagtitiwala
Na sila ay nasa Iyong mga palad………..